How to find a right mentor for your business

by: Gerald Burasca

Posted on May 06, 2018 at 20:05 PM

aimstore

Halos lahat ng bagay kapag nasa starting point ka palang ay mahirap. Sa trabaho, negosyo, pag-aaral etc. Para ma-intindihan mo nang mabuti unahin natin sa trabaho kapag nagtratrabaho ka lalo na at bago ka palang asahan mong mahihirapan ka talaga. Bakit? Hindi mo pa kase alam practically lahat kung papaano gawin na walang mali nakakatakot ‘to kase kapag nagkamali ka malamang mapapagalitan ka ng boss mo. Ang mahirap nito kakasimula mo palang ififired ka na (just kidding) inshort sa una hindi mo pa alam ang gagawin mo kunbaga sa dilim nangangapa ka. Ang ginagawa nila bibigyan ka muna ng 1-6 months na training para pag-aralan lahat bago ka bigyan nila ng final task. Ito ang nakakatakot personal experience ko ‘to naalala ko dati sa first job ko binigyan nila ako ng 1 week lang na training syempre kinabahan ako, kase alam ko kapag training months talaga yon pero dito ang binigay nila sa akin 1 week lang. ‘Yong binigay nila na task ay kung “Paano gumawa ng simple blog website”. Sabi ko sa isip ko, kaya ko ‘to okay lang ito naman talaga ang pinag-aralan ko. Naalala ko pa noon it was 2015 of Dec. binigyan pa kami ng reward na kung sino ang makakagawa sa loob ng 1 week siya ng makakakuha ng load worth of 300 pesos. Sabi ko pwede na atleast meron.

Good NEWS sa loob ng 1 week nagawa ko nga siya at natanggap ko ang load worth of 300. Ang saya diba? pero ang tanong paano ko nagawa sa loob lang ng isang lingo? Ganito kase ang ginagawa ko bago palang ako nag-aapply pinag-aralan ko na at sinearch ang mga latest trend noon na technology, todo puyat ako noon para lang matuto sinearch ko pa nga sa google at yahoo ang mga dapat kong alamin.

To cut the long story short nahihirapan ako but I never give up para malaman ko ang mga sagot. Sa pag-aaral time consuming talaga pero the moment na pinag-aralan mo at natutunan mo na kunbaga that’s the result na pinagpaguran mo.

Sa negosyo ganun din mahirap sa umpisa at time consuming pero kapag natututo ka na lahat ng pagod mo susuklian yun. Parang ganito kapag mahilig kang magbasa, mas marami kang alam sa mga taong hindi nagbabasa. Same logic sa negosyo kapag pinag-aralan mo talagang matututo ka walang ibang output kundi matututo ka.

Ang malaking tanong “Paano nga ba makakahanap ng tamang mentor sa negosyo mo?”

Importante ‘to kase unang-una kung gusto mo talagang maging successful sa negosyo kailagan may mag-guguide sayo. Parang ganito kung gusto mong maging magaling na basketball player sino ba ang dapat lapitan mo? Diba ang magaling na basketball player din alangan naman ang lalapitan mo ay isang toyo vendor, ano ang matutunan mo doon? Wala diba? Same din dito nasa negosyo ka hanapin mo ‘yongmga negosyante or entrepreneur.

Para mas mapapadali ang pag-nenegosyo mo. Ito dapat ang mga hahanapin mong klaseng mentor:

 

Knowlegdeable

Hindi lang basta-basta knowledge kundi maraming knowledge, ito kase ang kokopyahin mo sa kanya, kaya natural lang na ang hanapin mong mentor maraming alam sa negosyo.

Para mabilis kang makapagduplicate sa sarili mo at makapagsky rocket sa negosyo mo.

Maraming entrepreneurs gustong kumita agad ng malaki hindi nila naintindihan sa negosyo natin para kumita ka ng malaki kailangan malaki din ang knowledge mo balance dapat yon. “BIG KNOWLEDGE EQUAL TO BIG MONEY”

Time

Hanapin mo ‘yong mentor na may time kang turuan, as a newbie or apprentice kailangan may time si mentor para turuan ka kase magiging useless kung may mentor ka kung wala namang time para turuan ka.

Paano makakakuha ng time kay mentor?

Simple lang, actually para magkaroon ka ng time sa kanya just “set schedule” habang maaga pa magpa-set ka na ng schedule ka na para turuan ka. Si mentor laging busy ‘yan as long as possible ayaw nilang nag-sasayang ng time. Si mentor bago pa dumating ang araw naka-schedule na ang gagawin nila weekly. Kung ikaw hindi nakapagpa-schedule ng maaga sa kanya hindi ka talaga mabibigyan ng time.

Take note: “huwag kang magrerely lagi sa mentor mo” kase kung busy siya at hindi ka mabigyan time. Ano ang plan b mo?

Dapat ikaw mismo kaya mong mag-stand sa sarili mo kahit wala siya. Sa ganung pagkakataon incase may prospect ka at wala siya or busy ikaw na mismo ang gagawa noon at hindi siya kase kaya mo na. As a leader you need to be an independent without your mentor.

 

Productive Online and Offline

Dapat mong piliin ang mentor na productive online and offline lalo na sa social media or dapat nakikita mo siya personally na ginagawa ang negosyo. Ang malaking advantage nito kapag may bago kang prospect pwede mong ipakilala siya sa mentor mo showing that hindi ka nag-iisa sa negosyong ginagawa mo.

Paano mo malalaman na productive siya?

Use the power of social media inshort magiging stalker ka sa social media account niya para malaman mo kung gaano siya kadalas nagpopost or nagshashare ng value, sounds bad ba? Hindi naman eh.

Sa negosyo kung sino ‘yong productive, siya ang nag-eexcel at mas maraming followers kase ang tao kung kanino siya natututo doon siya sumusunod and it’s proven pansinin mo ang mga taong entrepreneur na sikat sa social media ngayon kagaya ni Chinkee Tan ang dami niyang followers. One time nagpost siya ilang minuto palang umaabot na ng thousand ang likes pati comment imaginine mo kung ganun ka kalakas sa social media at ganun kadami ang nagtitiwala sayo mas mapapadali kang makapagjoin kase alam nila marami silang matututunan kong susunod sila.

Ang sekreto “Be the man of value”.

Active Group

Isa ‘to sa importante kailangan si mentor may active na grupo kung gusto mong magpa-add sa grupo niya huwag kang mahiya walang naidudulot ang hiya kundi pagsisisi sa huli. Ang mga taong belong sa grupo niya ito ‘yong mga taong positibo at maraming alam sa negosyo diba mas masarap kasama ang mga taong positibo sa buhay kase magiging positibo ka rin. Doon malalaman mo ang mga strategies nila kung papaano nila ginagawa ang negosyo ng tama.

I’m sure marami kang matututunan sa kanila.

Proven System Online and Offline          

Sa generation natin ngayon ang bilis na ng technology, kaya dapat sumabay ka tatalunin ka ng mas bata sayo kung hindi ka sasabay sa generation natin ngayon.

Baliwala ang nabanggit ko sa taas kung si mentor walang systema online or offline. Napaka-importante nito kung baga sa spaggeti ito ‘yong pinakasauce niya.

Importante talaga online may systema siya ‘yong tipong lahat naka-online para kahit busy ka may pumapasok parin na income sayo.

Sales Page, pagdating kay customer na part ayaw nila ng hassle hahanapan ka ng website online. Paano kapag wala kang maipakita? edi mawawalan ka ng customer diba. Yong tipong kahit tulog may nagbebenta para sayo kase as a prospect ayaw nila na nagbebenta personally lalo na kapag mahiyain yan. Mababa ang pag-asa mong makapagpajoin sa negosyo kase gusto nila madaliang income.

Sales Funnel, sa online dapat may sales funnel ito ang sasala ng mga prospects mo online at ang maganda nito hassle free hindi mo kailangang kuma-usap ng prospect personally pero dahil may sales funnel kaya mong magawa ‘to. Mas mapapadali ang pagsabog ng grupo mo online kapag meron ka nito.

 

Training and Team Support

Para sa akin ito ang gusto ko ang may training and team support kapag hindi na-aalagaan ang team or members nagkakaroon ng attrition ang grupo nalalagasan tayo kaya make sure na meron sila nito although sa company meron talagang training pero ang tinutukoy ko ay sa team. Dapat meron talaga nito unang-una knowledge kailangan hindi lang ikaw ang natututo pati down the line.

 Importante habang tumatagal naggrogrow ka as a member to become a leader.

Regular Training is a must mas gusto kong sumali sa team na may training regularly kase doon ako mas lalong natututo.

 

 If you learn this blog you can share on facebook and don't forget to hit the like button.

 

Gerald Burasca

Your Partner in Success

 

If you learn this blog do a comment, like & share.


Leave a Comment:

0 comment yet. Be the first to leave a comment.

Search
Earn while at home using the power of the "Internet"

Enter your name & email below:

Your Name:

Active Email:

Phone: (Optional)

Your information will never be shared.
Like On Facebook