How to handle objections

by: Gerald Burasca

Posted on May 16, 2018 at 10:05 AM

aimstore

Isa sa pinaka-maraming tanong ng mga Networkers ay paano ba magkaroon ng maraming downline. Bakit wala parin akong napapasali, tama naman ang ginawagawa ko sinusunod ko naman ang sabi ng upline ko. Ang dami ko nang kausap na tao pero lahat sila nirereject ako. Ang ganda naman ng business opportunity na inoffer ko sa kanila pero bakit ganun hindi sila naniniwala. Ganun din ba ang sitwasyon mo ngayon? Kung gusto mong makapag-recruit ng madaming downlines sayong business kailangan mong aralin kung paano maging master sa pag-handle ng mga objections. Isa sa mga napansin ko, karamihan ng mga networkers ay hindi natuturuan kung paano iha-handle ng tama ang mga objections ng kanilang prospects.

Alam mo problema ko rin ‘to kaya talagang nagresearch ako ng kasagutan doon sa tanong ko nakakatuwa kase ang dami kong nahanap na solusyon sa internet sa google, yahoo etc. kaya tama nga ‘yong sinasabi nila “Kapag gusto may paraan kapag ayaw maraming dahilan”. Sa sobrang dami nalilito ako pero tinuloy-tuloy ko parin kase gusto kong patunayan sa kanila na kaya kong maging successful sa Network Marketing. Ang dami kong gustong gawin pero kailangan ko ng pera dumating sa point na ang inilabas ko ay mas malaki pa kaysa doon sa kinikita kaya desperado talaga akong kumita.

Isa sa inaral ko ay kung papano sagutin ng tama ang prospect para mag YES siya sa inoffer mo. Noong binibasa ko palang ‘yon sobrang na-excite ako sa mga tamang sagot na nalaman ko imaginine mo ikaw na ang mangrereject sa prospect mo kung dati sila ang mangrereject ngayon ikaw naman, excited ka na bang madiskubre ‘to?

Una linawin muna natin, ano ba ang objection?  According to Meriam dictionary “Objection – a reason or argument presented in opposition”. Isang dahilan na kung saan salungat or disagree. Nakaka - encounter ka ba ng prospect na pinepresentahan mo pagkatapos ang daming tanong. Nakaka - encounter ka ba ng ganun? Matuwa ka kung ganun ang prospect mo ibig sabihin interesado siya kaso may pumipigil sa isipan niya which is ito ‘yong objection na kailangan mong masagot. Paano mo siya masasagot ng tama? Yan ang matutunan mo dito.

 

There are two types of Objections:

True – interesado silang malaman kung anong meron sa business mo: sa product, services etc.

False – naghahanap sila ng rason para makaiwas doon sa pinag-uusapan niyo in short “excuses”.

 

Ito ang mga madalas mong maririnig sa kanila:

  1. Wala akong pera
  2. Wala akong time or busy ako
  3. Pag-isipan ko muna
  4. Scam ‘yan / Pyramiding ‘yan
  5. Ayaw ko yan gusto ko lang stable income
  6. Sumali na ako dati walag nangyari
  7. Mahirap ‘yan / Hindi ko kaya ‘yan
  8. Nakakapagod ‘yan
  9. Tanong ko muna sa asawa ko
  10. Nauna lang kumikita dyan
  11. Hindi ako magaling magsalita or mahiyain ako
  12. Hindi ako marunong sa negosyo
  13. Hindi ko linya yan
  14. Magkano na ang kinikita mo dyan
  15. Balikan mo ko kapag may resulta kana
  16. Ayaw ko ng recruit-recruit/benta-benta
  17. Wala na akong ma-recruit saturated na
  18. Ang mahal naman ‘yan
  19. Marami na bang kumikita dyan
  20. Wala ako masyadong kakilala
  21. Networking ba ‘to?
  22. Alam ko na ‘yan (AKNY)
  23. Gaano ka na katagal dyan
  24. Masaya na ako sa trabaho ko
  25. Anong mapapala ko kapag ginawa ko yan
  26. Marami ka na bang downline
  27. Fulltime mo bang ginagawa ‘yan
  28. Pag-ipunan ko muna
  29. Baka magsasara na ‘yang companya niyo
  30. Hindi ako techy
  31. Pautangin mo muna ako saka nalang kita babayaran.
  32. Anong ang gagawin ko dyan
  33. Anong negosyo ‘yan
  34. Paano kung wala akong marecruit
  35. Baka binibrainwash mo lang ako

 

What if sa lahat ng objections ni prospect may tamang sagot ka na makakapag-open up sa isipan nila para magtake ng aksyon, what if merong ganun. Good NEWS kase ngayon ito ang mga madidiskubre mo. Sa pagclolose ng prospect dapat malaman mo ang mga ito ‘yong needs, wants & problems. Ano ba ang kailangan niya, ano ba ang gusto niya at ano ba ang problema na meron siya. Once nalaman mo ‘to sa prospect, madali ka nalang makakapag-close sa kanila dahil interesado silang makinig sayo. Humanda ka na dahil magsisimula na tayo.

Objection #1. Wala Akong Pera

Prospect: “Wala akong pera.” (Alam mo ba sa mga prospects madalas ‘tong objection nila wala silang pera, may pag-gagastusan pa ako, pero mapapansin mo sa cellphone nila ang mamahal naka-iphone, Oppo, Samsung etc. kaya minsan ang hirap intindihin ng tao. Anyway, kailangan mong intindihin ang sitwasyon nila kase ‘yong ibang Networker kapag may ganitong prospect madalas ina-away nila binabalik nila ‘yong tanong bakit wala kang pera nagtratrabaho ka naman ah or malaki naman ang sahod mo ah. Ang pinaka-importante dito ay huwag mo silang awayin, alam mo kung bakit? kapag hindi maayos ang relationship mo sa kanila hindi talaga sasali sayo ‘yan. Eh papano kung ako ang ina-away? Just stay humble hindi mo kailangan makipag-away sa kanila, hindi tama ‘yon. Kapag siniseen ka lang ni prospect huwag mo nang i-push we are not here to please everyone we are here to solve their problem pero kung hindi nila na-appreciate at nakikita ‘yon then hindi para sa kanila ang business na inoffer mo.)

Ito ang isasagot mo sa kanya:

You: “Alam mo naintindihan kita kung wala kang pera ngayon. [Pangalan ng prospect], okay lang ba magtanong? Ano ba ang problema mo last year? Pera diba. Sa palagay mo kapag hindi mo hinanapan ng solusyon itong problema mo ngayon. Sa tingin mo ano ang magiging problema mo sa susunod na taon? Malamang pera parin!

(Tapos share ka ng konting storya para mas lalo niyang ma-intindihan)

Kung may sakit ang anak mo at sinabi ng doctor na kailangan mo maglabas ng sampung libo bukas ng umaga, kung hindi baka mamatay ang anak mo.

Tanong: Ano ang gagawin mo? Makakahanap ka ba ng pera? Kung ang sagot mo ay “Oo!” ang ibig sabihin lang nito ay hindi kakulangan ng pera ang iyong problema. Kundi kakulangan ng motivation at desire para gawin.

(or kaya ito ang possibleng ito ang sasabihin niya)

Prospect: Alam mo tama ka. (Kapag nag-agree sayo ang prospect that’s the sign na makikinig siya sa sasabihin mo.)

You: [Pangalan ng prospect] anong paraan ang nasa isip mo ngayon na pwedeng solusyon dyan sa problema mo? (Sa ganitong paraan atleast siya na mismo humanap ng solusyon sa problema niya kase kapag ikaw ang mag-susuggest parang pushy ang dating kaya hindi maganda. Kung ang sagot ni prospect mangungutang ako, ibebenta ko ‘yong hindi na kailangan, sangla etc.. ngayon i-challenge mo siya ng isa pang tanong make sure to know their needs, wants and problems.)

 

Prospect: “Mangungatang ako blah blah…”

Ito ang isagot mo:

You: Gaano ka kaseryoso na gawin para sa reason why ni prospect?

Prospect: “Seryoso akong makatulong sa para pamilaya ko blah blah.”

You: Okay [prospect] ganito gawin natin bibigyan kita ng 15 days para magawan mo ‘to ng paraan pero kapag hindi nangyari ‘yon ididisqualified kita sa team ko. (Dito mo na itanong ‘yon kung bakit seryoso siya na gawin ‘to, ano ba ang maitutulong nito sa kanya sakaling gagawin niya etc.)

Prospect: “Okay sige.”

You: Okay good, okay lang ba ifofollow-up kita 2 days before that day para iremind ka?

Prospect: “Sige walang problema.”

 (Then set deadline at kung kailan mo siya ifofollow-up.)

Sa una mahihirapan ka kase hindi pa nag-rewire sa utak mo pero kapag na-master mo na napakadali nalang nito.

 

Objection #2. Wala akong time or busy ako

Prospect: “Wala akong time.” (Maraming taong busy sila para sa pagpapayaman ng iba wala silang time para sa sarili nila nakakalungkot mang isipin pero ganun talaga.)

You: Naintindihan kita kung wala kang time. Ibig sabihin lang nito, hindi ka nag-aaksaya sa mga bagay na walang kwenta. Matanong lang kita: Kung may ipapakita ako sayo na paraan na makakapagbigay ng mas maraming oras sa pamilya mo, magiging interesado ka bang makinig? (Always end with a question para ikaw ang nagcocontrol ng conversation niyo.)

Prospect: “Oo naman interesado akong makinig.” (Napaka-powerful ang tanong na ‘to kase majority ang sagot nila yes interesado ako paano gawin yan. Actually, ang sagot lang talaga sa tanong mo is: “Oo or Hindi” Ito ang next mong sasabihin…)

You: Sa tingin mo, anong maitutulong nito para sayo at sa pamilya mo kapag ginawa ‘to? (Know their reason why ito kase ang gagamitin natin para unti-unti mo siyang iclose.)

Prospect: “Gusto ko lang kumita ng extra.” (Okay okay para sa akin hindi malinaw ang reason niya. Kailangan kase nating malaman ang reason why niya ito ang isagot mo.)

You: Sabihin nating kumita ka na ng extra, ano ‘yong pinakamalaking maitutulong nito para sayo at sa pamilya mo? (Dito pakinggan mong mabuti ang isasagot ni prospect sayo dito mo na kase malalaman sa sagot ng prospect mo ‘yong mga gusto niya, kailangan at problema niya.)

Prospect: “Matutulungan ko ang pamilya ko sa mga gastusin sa bahay at makakapagbigay ako ng pera doon sa kapatid ko pangbaon niya sa school.”

(That’s good at nakuha mo na ang reason why niya pwede ka ng mag-build ng rapport sa kanya ask these questions about his work, family & recreation or pinagkaka-abalahan…)

Ano ‘yong work niya.

Gaano na siya katagal doon sa work niya.

Nag-eenjoy ba siya sa work niya.

Anong pinagkaka-abalahan niya etc… (Importante lang dito makakapagbuild ka ng rapport. Sa pagbuild ng rapport hindi mo kailangang alamin lahat sa kanya the fewer much better. Ito ang last line mo.)

You: Doon sa sinabi mo kanina gaano ka kaseryoso na gawin ‘to para reason why ng prospect?

Prospect: “Seryoso akong makatulong sa kanila para mabigyan ko sila ng magandang buhay.”

 

For Online:

You: Okay good, bibigyan kita nang link na kung saan doon mo mapapanood ang opportunity na ‘to but make sure na laptop or PC ang gamit mo with stable internet connection para mapanood mo ‘to ng buo. Kaya mo bang panoorin ngayon?

(Okay kapag meron siyang laptop or PC na pwede na niyang mapanood agad then ibigay mo sa kanya ‘yong link pero kapag wala siya noon huwag mong ibigay ito kase ang alas mo kanya hayaan mong hahanap siya ng paraan para mapanood niya.)

For offline:

You: Okay good, anong araw gusto mo para maipakita ko sayo at maipakilala kita sa mentor ko. Friday or Saturday?

Prospect: “Saturday.”

You: 5:00PM or 7:00PM?

Prospect: “5:00PM.”

You: Okay [prospect], set ko na ang meeting natin Saturday 5:00pm [address ng kumpanya]. See you!

(Kung may sasakyan ka much better kung susunduin mo nalang siya ika nga “First Impression Last” kapag nakita niya na gusto mo siyang tulungan baka maging agila pa ‘yan sa team mo. Good luck)

Tandaan laging ikaw ang magcocontrol ng conversation niyo. Kung mapapansin mo dito ikaw ang nagbibigay ng choice sa kanya kase kapag siya ang magbibigay baka hindi pasok doon sa schedules mo.

Kung gusto mong bigyan nalang siya ng link ng marketing plan niyo, make sure na humingi ka ng permission sa kanya to send a link para formal. Kase may mga taong hindi mo maiiwasang isipin nila na baka virus ang binigay mo na link. Tapos sabihin mo after niyang mapanood na balikan ka baka may mga tanong pa siya or other concerns.

If bumalik sayo at willing na siyang magjoin double check mo kung may mga katanungan pa siya kase ang iba excited hihingiin agad ang pangpayin. Importanteng malaman mo ang mga reason why niya sa business at kung ilang oras kaya niyang gawin baka mamaya wala palang time sa business para gawin. Magiging useless lang sa team mo siya o baka sakit lang ng ulo, bakit ganito wala pa akong kinita etc. Kaya dapat mas maigi na ung naintindihan niya ng maayos ang pinasok niyang business.

 

P.S: "Kung gusto mong makuha ang full ebook nito:

  • First like my facebook page makikita mo dyan sa top left navigation.
  • Second just click here HANDLING OBJECTIONS 101.
  • Third check your email andoon 'yong link para ma-download mo ang ebook.

If you learn this blog do a comment, like & share.


Leave a Comment:

0 comment yet. Be the first to leave a comment.

Search
Earn while at home using the power of the "Internet"

Enter your name & email below:

Your Name:

Active Email:

Phone: (Optional)

Your information will never be shared.
Like On Facebook