How to set your goal

by: Gerald Burasca

Posted on May 29, 2018 at 13:05 PM

aimstore

A goal is a dream with a deadline dapat alam mo kung hanggang kailan lang ‘yong ginugoal mo kase mas lalong kang productive kapag may deadline ka. Parang project sa school diba kapag sinabi ni titser may ipapagawa akong project sa inyo tapos bibigyan ka ng deadline kung hanggang kailan lang. Let say sinabi ni titser hanggang third week of this month lang pwedeng ipasa. Ang tanong gagawin mo ba agad? Oo naman, parehas lang naman tayong ayaw bumagsak sa subject na inaral natin kaya gagawin talaga natin agad. Sana ganun ka rin kaseryoso pagdating sa goal na gusto mong matupad, dapat alam mo kung hanggang kailan lang ang ginugoal mo.

Parang kwento ni rabbit at lion…

Si lion gutom na siya kaya naghahanap ng makakain sa kagubatan dumating sa point na nakita niya si Rabbit. Si rabbit ay naghahanap ng pagkain para sa mga anak niya noong nakita niya si lion na papalapit sa kanya. Dali-dali siyang tumabkbo papalayo kay lion para hindi maabutan kase kapag naabutan siya ni lion siguradong kakainin siya.

Si rabbit tumakbo para sa buhay niya…

Si Lion humabol para sa pananghalian niya…

Magkaiba ang goal nila, kung ikaw buhay mo ang nakataya talagang gagawin mo ang lahat para hindi ka maabutan ni lion. Kaya ganun kabilis tumakbo si rabbit because he’s running for his life unlike kay lion he’s running for his lunch…

Sana ang goal mo ay ganun kay rabbit tumakbo ng mabilis wala siyang alinlangan kase kapag naabutan siya talagang kakainin siya.

Pagdating sa goal dapat focus at seryoso ka.

Kapag nagseset ka ng goal remember the word “S.M.A.R.T

S stands for Specific

Sa gusto mong matupad dapat be specific or malinaw sa isipan mo kung ano ‘yon halimbawa sasakyan.

Anong klaseng sasakyan?

Anong kulay?

Manual ba or automatic?

Leather set ba o fabric?

Ang mga ‘to dapat malinaw sa isipan mo the moment na malinaw ang goal mo doon ka mas lalong nag-eexcite para makuha ‘to.

M stands for Measurable

Ang goal ay dapat name-measure mo siya, kung gaano ba katagal kunin ‘yon halimbawa sasakyan gaano ba katagal mong makuha ‘yon. Kung sasakyan ang goal mo kalimitin nito ay 2-5 years kailangan nakafocus ka nito hindi pwedeng wala kang ginagawa learn and unlearn. Sa mga bagay na kailangan mong aralin mag-invest ka ng time para matuto at sa mga bagay na hindi nakakatulong iwanan mo na.

Simple as setting specific date for your achievement importante ‘to para alam mo kung hanggang kailan siya gagawin hindi pwedeng kung kailan mo gusto.

A stands for Achievable

Sa bawat goal na gusto mo dapat achievable, challenging ‘to parang workout halimbawa kung gusto mong bumaba ang bigat ng 15 lbs. in just 1 day.

Ang tanong achievable ba?

No, you can’t. Sa loob ng isang araw hindi mo kayang magbawas ng 15 lbs. yan ang totoo achievable ‘to kung sa loob ng 2 weeks tapos araw-araw kang magwoworkout. Kaya sa gusto mong goal make sure na achievable ‘to para hindi ka madisappoint sa gagawin mo iba ‘yong possible sa impossible.

 Infact mahihirapan kang ma-achieve pero the moment nararanasan mo ‘yon dyan ka mas lalong natuto sa buhay part talaga ‘yon para makuha ang gusto mo.

R stands for Realistic

Importante na realistic ang goal mo. Kung gusto mong kumita ng pera pero hate mo ‘yong pagbebenta, Paano ka kikita ng pera? anomang bagay na pinasok mo may sales ‘yan hindi mo lang ramdam kase hindi ikaw ang nagbebenta pero part ka ng systema nila para kumita.

Marami sa atin ay gustong yumaman pero paano ka yayaman kung ang mga ginagawa ng mayayaman ay hindi mo ginagawa. Dapat kinokopya mo ang mga ginagawa nila kase kung ano ang result nila mangyayari rin sayo, simpleng logic diba?

Dapat maging realistic ka sa bagay na gusto mo.

T stands for Time Frame

In every month dapat may list ka kung ano ang specific na dapat mong ma-achieve. For example this month ang goal mo ay kumita ng 100k then next month 200k etc. gawa ka ng list sa excel or kahit sa microsoft word para alam mo ang specific goal sa bawat buwan then leave a status sa bawat goal na gusto mong ma-achieve.

Makakatulong ‘to para active ka sa ginagawa mo at aware ka sa status ng goal na gusto mong matupad. Sa timeline mo dito ka makapag-adjust sa mga results na hindi mo nakukuha makakapagset ka rin ng plan b incase hindi gumagana plan a na ginagawa mo.

If you like this content you can hit the like and share button below...

Sincerely,

Gerald Burasca

Your Partner in Success

If you learn this blog do a comment, like & share.


Leave a Comment:

0 comment yet. Be the first to leave a comment.

Search
Earn while at home using the power of the "Internet"

Enter your name & email below:

Your Name:

Active Email:

Phone: (Optional)

Your information will never be shared.
Like On Facebook