Paano ma maintain ang productivity sa iyong Negosyo

by: Jeramil Bornasal

Posted on May 11, 2018 at 16:05 PM

aimstore

Sobrang hirap maging productive sa anumang career or maging sa business, or maging sa ginagawa mo ngayon lalo na kung may iba kang pinagkaka-abalahan talagang mahihirapan ka. Pero marami namang solusyon kung gugustuhin mong gawin it’s a matter of choice. Choice mo kung gagalaw ka or matutulog ka nalang, choice mo kung maging busy ka or hindi. Sa buhay laging may choice kaya kung wala kang pera ngayon choice mo yan the good news is kung mayaman ka ngayon dahil choice mo yan… It’s a matter of choice diba? Ikaw ang creator ng buhay mo kung ano ka ngayon ikaw din ang nagcreate niyan. Kung Naging engineer ka dahil ikaw ang gumawa niyan, we are an actor of our own story. Tama ba? Part timer ka ba? Nahihirapan ka bang gawin ang business dahil kulang na kulang ang time mo? 8 hours sa trabaho at gabing-gabi nang nakakauwi sa bahay, dahil sa traffic? Ganun ka rin ba? Ganun ako dati pero hindi na ngayon nagfulltime na kase ako sa negosyong ‘to. May nakikita kase ako sa negosyong ‘to na hindi ko nakikita sa pagiging employment ko. Anyway hindi tungkol sa akin ang pag-uusapan natin ngayon. Ang pag-uusapan natin ngayon ay “Paano mo mamemaintain ang pagiging produktibo mo sa negosyong ‘to. Isa kase ‘to sa problema ng mga networkers na nakikita ko. Gusto lang magshare ng ideya kung papaano ako makakatulong sa isang networker na kagaya mo. The moment na magdedecide ka sa negosyong ‘to asahan mong mahihirapan ka talaga anomang bagay na may value ay sadyang mahirap. Imbes na isipin mo ang hirap bakit hindi mo nalang isipin na madali.

Gaya nito…

Huwag mong sabihin na “hindi ko kaya” dapat “kaya ko”.

Huwag mong sabihin na “hindi ko matatapos” dapat “matatapos ko ‘to”.

Huwag mong sabihin na “ang hirap naman” dapat “madali lang yan”.

Huwag mong sabihin na “wala nang paraan” dapat “may paraan”.

Huwag mong sabihin na “hindi mangyayari sa akin ‘yan” dapat “mangyayari din sa akin ‘yan”.

Huwag mong sabihin na “impossible” dapat “possible”.

Walang impossible sa taong naniniwala…

Put all your plan into action…

Vision without action is just a day dream…

 

 

 

 

Para makapagmaintain ka nang productivity sa negosyo mo ito ang mga kailangan mong gawin:

Avoid Distraction

Sa panahon natin ngayon ang daming distractions social media, friends, gadgets etc. Sabi nga nila “Think before you Act” let say nagfafacebook ka may prospect kang ka-chat ang ganda na ng usapan niyo kaso may bigla nagpopop-up sa screen mo noong nakita mo naaliw ka tiningnan mo ngayon hanggang sa napunta ka na sa ibat-ibang website dahil lang doon. Kaya ayon nawala ka na sa ginagawa mo at ang masakit nawalan ka na rin ng prospect.

Ilan ba sa atin ang ganun? Malamang marami diba? The moment na nadidistract ka napalaking oras ang nawala sayo kahit sabihin mong 30 lang naman imaginine mo kung araw-araw kang nadisdistract araw-araw ka rin nawawalan ng oras sa mga bagay na walang kinalaman sa negosyo mo.

Alam mo sa totoo lang marami ang adik na adik sa K-Drama, tama ba ako? Kung gusto mong maging successful dito please lang po itigil muna ‘yan pwede mo namang balikan yan kapag mayaman ka na pero kapag nasa building stage ka palang iwasan mo muna habang maaga pa. Ang hirap kaya maging adik sa mga bagay na ginawa mo, unang-una mahirap iwasan pangalawa malulungkot ka kapag hindi mo nagawa.

Dapat mong disciplinahin ang sarili mo, kung alam mong hindi nakakatulong sa negosyo mo then huwag mong gawin para walang oras ang nasasayang. Time is Gold.

Avoid “Mamaya na habit”

Mamaya na habit, maraming ganito sa atin ‘yong uutusan ka ng mama or papa mo pero lagi mong sinasabi mamaya nalang marami pa namang oras, kaya ayon hindi mo nagagawa napapagalitan ka tuloy. Tandaan mo tumatakbo ang oras you can’t undo time hindi mo na maibabalik yun maliban nalang kung si Doctor Strange ka pwede pa diba? (haha I’m just kidding) kapag ginawa mo agad ‘yan malamang matatapos mo agad-agad.

Kung may gagawin ka or nasa isip mo palang sa tingin mong nakakatulong sa business mo then do it dapat umaksyon ka na agad para malaman mo ang resulta. Papipiliin kita kung kailangan mo agad na kumita ng pera.

Alin ba ang gusto mo ngayon o sa future pa?

Diba mas maganda kumita ngayon kumpara sa future….

Dapat ang habit mo ay gaya ng story ni langgam, hindi pa dumadating ang tag-ulan naghahanda na ng mga pagkain kahit hindi tag-ulan.

Dapat ganun ka rin…

Set Daily Routine

Araw-araw dapat may sinusundan kang schedule ito ang direksyon mo para magawa ng maayos ang negosyo mo.

Anong mangyayari kung wala akong daily routine?

Imaginine mo kung papunta ka sa isang lugar tapos hindi mo alam ang daan, ano ang tendency na mangyayari sayo? Kung papunta ka ng Baguio saan ka ba dadaan sa North ba o South? Baka nga maligaw-ligaw ka pa kase hindi mo alam ang daan. Ganun din dito kapag wala kang daily routine hindi mo alam kung alin ang una mong gagawin.

Para ma-remind ka sa gagawin mo araw-araw gawa ka ng to-do list isulat mo lahat ang gagawin mo buong araw simula pag-gising or iprint mo tapos idikit mo sa wall para pagkagising mo makikita mo agad siya epektib to kase ginagawa ko rin ‘to pero hindi mo agad-agad ma-aadapt ‘to it takes weeks or depende sayo hindi pa kase nagrerewire sa utak mo kaya ganun.

Focus on one strategy at a time

Napaka-importante na kailangan mong mag-focus muna sa isang strategy, kung saan ka magaling doon ka muna magfocus huwag kang magmadaling alamin lahat. Nakakakita ka na ba ng mangingisda na namamangka sa dalawang ilog ng sabay? Kahit multi-tasking ka pa hindi mo kayang pagsabayin ‘yon one at a time lang talaga muna.

Kung gusto mong magfocus muna sa blogging or video marketing or email marketing or fb ads or pagbibuild ng trust sa prospect then isa-isahin mo muna halimbawa sa blog, set ka muna ng days for blogging kase magiisip ka pa ng mga isusulat mo. Sa pagbloblog medyo mahihirap ‘to lalo na kung wala kang idea kung ano ang isusulat mo pero sa umpisa lang naman mahirap.

The moment na kaya munang maglevel-up then it’s time to proceed to the next strategy. Hindi ka pwede magstick ka lang sa isang strategy kailangan mong ilevel up or iimprove ang sarili mo. Parang life line yan diba sa hospital kapag may nakikita kang pasyente  na 50-50 diba may monitor at makikita mo doon ang status niya, yung pulse ng puso niya minsan tumataas at minsan bumababa. The moment na straight line yan ibig sabihin hindi na tumitibok ang puso mo. Same din dito sa business natin kapag ang status mo ay straight line ibig sabihin hindi ka naggro-grow or hindi ka natututo dapat laging tumataas yan learn lang nang learn improve your knowledge everyday from other people and their experiences and mistakes.

Create a new post on social media everyday

Posting is a form of promoting your business gusto mong maging productive dapat lagi kang nagpopost araw-araw. Alam mo ba,  ito ang isang tinitingnan ni prospect sayo tinitingnan nila kung gaano ka ka-active kapag once in a blue moon ka lang magpopost iisipin ni prospect hindi ka seryoso sa ginagawa mo. Gusto mo ba ‘yon? Diba hindi.

Technology, ito ang advantage natin ngayon nasa internet na lahat search mo lang kay google bibigyan ka na niya ng sagot sa mga tanong mo, ang galing diba? Pero imaginine mo ang mga networkers noon nakuha nilang kumita ng milyon sa industry natin kahit noong panahon na yon ay wala pang internet hindi ko talaga lubos maimagine yun. As in pure offline talaga pupuntahan nila si prospect imemeet nila dalhin sa office makikinig ng seminar tapos gabing-gabi na umuuwi. Nakakapagod diba? puyat pa sila pero bakit nila nagawang kumita ng malaki? How much more tayo nagawa nga nila tayo pa kaya.

Ang point ko lang dito gamitin mo ‘tong mga ‘to: facebook, twitter, Instagram, linkedin etc… Ang daming yumayaman dyan tapos ikaw ayaw mong sumabay don’t worry nandito rin ako para tulungan ka. Pero huwag kang magrerely sa akin all the time kung may pamangkin or anak ka magpaturo ka sa kanya. Alam mo kase ang kabataan ngayon sobrang galing kumalikot ng gadget ‘yong iba 7 years old palang marunong nang maglaro sa smarphone pindot pindot lang natututo na, kainis diba? tinalo ka pa haha kaya kung ako sayo sumabay ka na sa trend ngayon.

Time Management

Eh paano yan? Part timer ako mahirap para sa akin gawin ‘to Oops! teka lang di kaya may kulang sa ginagawa mo? kapag may time management ka mas aware ka sa ginagawa mo mas madidisciplina mo ang sarili mo at mga gagawin mo. Baka ito ang kulang sayo.

Gaano ba ‘to ka-importante? Okay okay naintindihan kita let me explain to you in more detailed.

You can accomplish more with less effort, kung matuto kang magcontrol ng oras mo mas mai-improve mo ang pagfofocus sa mga bagay na gagawin mo.

Improve decision making ability, kung alam mo ang schedule bawat oras sa mga ginagawa mo mabilis kang makapagdecision sa mga bagay na gagawin mo palang kase alam mo kung may time ka o wala.

Self-descipline is valuable, kapag narewire na sa utak mo on how to handle time management, maiiwasan mo na ang procrastination napakalaking impact nito sa buhay mo the way you manage, act and control life.

Don’t listen negative People

May mga magsasabi sayong hindi mo kaya ‘yan galing na kami dyan walang nangyayari. Makikinig ka ba? Ang sagot ko ay depende kung ang nagsasabi sayo ay successful na tao pwede kang makinig pero kung ang nagsasabi sayo hindi naman umasenso or mayaman sa buhay then don’t listen. Alam mong ito ang paraan para maging successful ka nanegative ka lang ayaw mo na.

Guess what kung ano ang mangyayari sayo kapag nakikinig ka sa mga taong puro reklamo sa buhay. Malamang maging reklamador ka rin someday. Kase ‘yon ang makokopya mo pero kung nakikinig ka sa mga successful na tao ang dami mong matututunan sa buhay. Ma-iinspire ka pa sa story nila kung paano nila nagagawang umasensyo sa buhay.

Listen to positive people only kung gusto mong maging positibo sa buhay…

If you have learn this blog you can share this on facebook and don't forget to hit the like button below..

 

Sincerely Yours,

Jeramil Bornasal

Your Partner In Success

 

If you learn this blog do a comment, like & share.


Leave a Comment:

Total Comment 1

unnamed
Gerald Burasca
Says: :)

Posted On: 05/12/2018 08:05 PM

Reply

Search
Earn while at home using the power of the "Internet"

Enter your name & email below:

Your Name:

Active Email:

Phone: (Optional)

Your information will never be shared.
Like On Facebook