Why the rich are getting richer

by: Gerald Burasca

Posted on May 07, 2018 at 15:05 PM

aimstore

Minsan ba naitanong mo sa sarili mo kung bakit ang mga mamayaman ay lalong yumayaman? Ang mahihirap ay lalong naghihirap, ano kaya ang pinagkaiba nila? sa tingin mo ano? Ano-anu nga ba ang secreto nila? Alam mo, tanong ko rin ‘to dati sa sarili ko I kept on searching to find out at noong nalaman ko biglang akong napapa woow “Oo nga noh” yun pala ‘yon, kaya ang mga mayayaman ay lalong yumayaman. Noong time na nalaman ko humanap ako agad ng paraan para masimulan ko at ma-implement agad a yaw ko kase ‘yong “saka nalang marami pa namang time” pero hindi mo ba alam na the moment na lumilipas ang oras ay hindi mo na maibabalik. Kaya tama talaga ‘yon kapag gusto may paraan kapag ayaw maraming dahilan, huwag mong isipin ang problema mo doon sa gusto mong gawin laging solusyon ang iisipin mo. Problema na nga proproblemahin mo pa edi-doble na ang sakit sa ulo noon.

Alam ko ang lumalaro sa isipan mo ngayon sabik na sabik ka na bang malaman kung ano ang sekreto ng mga mayayaman? Okay just wait sasaihin ko rin naman sayo pero baka nga alam mo na eh.  Ang sekreto talaga nila ay ito “NEGOSYO”.

Ano ang sabi ng mga magulang natin "Anak mag-aral kang mabuti para paglaki mo hanap ka ng magandang trabaho" pero ang mga chinese ganito sila pinapalaki ng magulang nila "Anak aral ka buti para iyo paglaki hanap ka maganda negosyo".

Ganun sila minamindset ng mga magulang nila diba ang layo ng pinag-kaiba sa atin trabaho sa kanila negosyo kaya karamihan na yumayaman ang chinese pansinin mo naman sa bansa natin halos lahat chinese ang mga may negosyo.

Pansinin mo sa paligid ang mayayaman ngayon sino-sino nga ba sila?

Isa-isahin natin:

Henry Sy

Si Henry Sy, isa sa pinakamayamang negosyante sa buong Asia ang net worth niya as of 2018 is $18.6 billion dollars (according to Forbe) yes tama ang nabasa mo billion dollars imaginine mo kung may ganong kalaking pera ka kahit hindi kana magtratrabaho araw-araw mabubuhay ka na hanggang sa pagtanda mo.

Ano-anu ba ang negosyo niya?

Siya lang naman ang mang-ari ng SM Malls, BDO, Chinabank at ang dami pang iba. Pansinin mo dyan sa Makati halos bawat kanto may BDO grabe sobrang dami niyang branch. Araw-araw may nagwiwithdraw, nagloloan, nagdedeposit etc. Sa SM ganun din araw-araw may bumibili at nagshoshopping. Ito ang nakapagtataka wala siya doon sa SM pero kumikita siya. Ang galing diba?

 

 Lucio Tan

Si Lucio Tan, isa rin siya sa may pinaka-malaking kita sa buong Asia. Ang net worth niya as of 2018 is $1.6 billion dollars ang laki na niyan billion yan eh tapos dollar pa kung icoconvert mo sa peso ay P80 billion pesos.

Anong negosyo niya?

Siya ang may-ari ng Philippine Airlines, Asia Brewery, PNB, Philippine Tobacco etc. Kung titingnan mo grabe big business. Imaginine mo araw-araw may sumasakay ng eroplano and still kahit wala siya doon kumikita parin siya.

Ito pa si John Gokongwei may-ari ng Robinsons Mall, Cebu Pacific, Meralco etc..

Lipat naman tayo sa ibang bansa si late Steve Jobs of Apple Inc.

Si Bill Gates of Microsoft ang dami pang iba…

Pero isa lang ang napapansin ko sa kanila bawat isa ay may kanya-kanyang negosyo…

Yes tama ang nabasa mo “NEGOSYO” kung gusto mo talagang yumaman pasukin mo negosyo pero hindi ko naman sinasabi na masamang ang pagiging empleyado hindi po, pero kung may pangarap ka para sa pamilya mo humanap ka ng paraan para makapagnegosyo ka. Kase dito talaga ang may malaking pera wala sa employment ilan na ba sa atin ang panay complain na wala silang pera at puro utang nalang hindi pa dumadating ang sweldo ubos na agad, ouch! sounds family ba?

Masasaktan ka talaga walang ibang magsasabi sayo nito kundi mga entrepreneurs or negosyante. Wala kang magagawa, ‘yon kase ang katotohan pero hindi ibig-sabihin na hindi mo na mababago ang kapalaran ng buhay mo pwede mong baguhin nyan syempre magsisimula yan sayo. Ang hirap sabihin na gustong kong pumayat pero wala ka namang ginagawa, ano ‘yon? Nanaginip ka lang gumising ka na…

Alam mo kung gusto mong may future ka dapat ngayon palang pumusisyon ka na it’s a matter of position una-unahan lang ganun talaga nauna siya eh. Ngayon kung mas nauna ka sa kanya mas lamang ka talaga. Kung ikaw nakagpagfranchise ng Jollibee 20 years ago malamang mayaman ka na ngayon. Imaginine mo dati magkano lang ang franchise ng Jollibee pero ngayon 20-30 million na. Ang bigat sa bulsa diba?

Ganun talaga ang buhay it’s unfair lalo na kung may pera sila tapos ikaw wala unfair talaga kase sila ang nasusunod at hindi ikaw…

Ngayon tanong ko sayo ano ba ang buhay na gusto mo?

Your answer is good as mine.

If you like this blog you can share on facebook and don't forget hit the like below.

 

Sincerely,

Gerald Burasca

Your Partner in Success

If you learn this blog do a comment, like & share.


Leave a Comment:

0 comment yet. Be the first to leave a comment.

Search
Earn while at home using the power of the "Internet"

Enter your name & email below:

Your Name:

Active Email:

Phone: (Optional)

Your information will never be shared.
Like On Facebook